Saturday, February 5, 2011

Images of my Childhood

Imahe ng sari-saring Tsinelas.
Isang umaga ay nagising ka ng maiingay na mga bata sa kalye. Narinig mo ang sigawan ng mga kaibigan mong lagi mong kasama sa paglalaro. Babangon ka at magbibihis ng damit na panglaro. Hindi manlang kakain o iinom ng gatas. Didiretso ka sa labas upang sumali sa kanilang laro. Mga laro na hindi kinakailangang pagkagastusan. Mga laro na ang tanging kailangan ay TSINELAS.

Tumbang preso — Gagamitin mo ang tsinelas mong “Rambo” para patalsikin ang lata sa malayo. Gustong gusto mong nakikita ang mga kalaro mo na nagpupulot ng lata sa kalayuan. 

Bending - Ilalabas mo ang pinaka-lantutay mong tsinelas. Mas malambot at mas magaan, mas maganda. Kinakailangan mo ng masusing pagbalanse ng tsinelas sa iyong katawan. Pag natawid mo mula sa base mo hanggang base ng kalaban, magbebending ka at kinakailangan mong ilapag ang tsinelas mo sa ibabaw ng tsinelas nya. Bawal ang laglag, labas ngipin at bintana.

Maya-maya pa ay dadating na ang nanay mo at may hawak ding TSINELAS.

The Title

IMG_5733_40